MY TRAVEL IN VIETNAM

Kwento ko lang sa inyo ang travel ko sa Vietnam kasama ang dalawa kong kaibigan. Nag stay kami sa Bong Sen Hotel. Ok naman ang hotel na ito, walking distance lang sa Saigon Tax Center at malapit kami sa Opera House. Malapit rin ito sa Ben Tan Market, ang sikat na pamilihan dun sa Ho Chi Minh. Sa gabi, maganda naman ang view na nakikita namin sa bintana ng hotel na tinigilan namin ng tatlong gabi

 

Opera House

Budhist Temple

War Remnants Museum

Reunification Palace

Nag City tour kami sa Budhist Temple, War Remnants Museum, Revolutionary Museum, Reunification Palace, Notre Dame Cathedral pero sa labas lang kami ng Cathedral at nag picture taking na lang kami dahil ang misa raw noon ay para sa mga Vietnamese. Nagpunta rin kami sa Post Office nila at nag picture taking din. May pinuntahan rin kaming Park pero hindi ko na matandaan ang tawag dun. 

          Post Office

Notre Dame Cathedral

Sumakay rin pala kami sa “xyclo” kung saan ang driver ay sa likuran ko naka pwesto at ako ang nasa harap. Halos lahat ay lakad lang kami. Grabe talaga sa Saigon… na shock ako sa dami ng motorcycles! Sabi ng tour guide namin, 5M daw ang motorcycles sa Ho Chi Minh pa lang. As in adventure yung tumawid kami sa kalsada habang yung mga motorcycles umiiwas sa amin. Naghihintay pa naman kami ng parang traffic light, ayun pala ay wala. Kaya pala derederetso yung mga motorcyles. Sa tingin ko madisiplina naman sila. Kita naman sa pictures, walang singitan, nakapila at sumusunod sa traffic signs. Sana ganito din dito balang araw. Baka mangyari dito maging ganyan din ang population ng motor natin pero ang ugali ganun pa rin or mas talamak pa.

“Xyclo” 

Motorcycles

Ang mga bahay dun ay halos tulad ng mga townhouse dito sa atin pero mas makikitid pa at hanggang 4 na palapag walang parking siguro dahil motorcycles lang sasakyan nila. Simple lang din siguro ang kanilang pamumuhay. Bihira akong nakakita ng bus halos taxi lang at motorsiklo na angkas nila ang asawa, anak at mga pinamili nila, appliances at kung ano ano pa.

Thuong Xa Tax Mall

Pagkatapos ng aming tour nagpunta kami sa isang malaking mall ang Thuong Xa Tax. Nag shopping rin kami dito. Napaka raming tindang gold. Mababait ang mga vietkong at courteous pa. Wala akong nakitang matataba o malalaki ang katawn, lahat sila manipis ang katawan. Dito sa mall pwede ka ring tumawad sa presyo ng kanilang paninda. Nag picture taking ulit kami ng naka salukot. Bawat kalye na madaanan namin ay may tindang paintings magaganda at mura kaya lang halos lahat ay may simbolo ng kanilang bansa.

Masaya naman yung Saigon trip namin. Halos lahat inexpensive, ang pagkain at iba pang bilihin yon nga lang kokonti ang tourist spot nila pero the shopping is also great! Nakakatakot lang talaga tumawid (kami pa namang tatlo ay takot tumawid) And of course I really treasure the trip hindi lang dahil sa bansa kundi the time I spent with my friends. Mas lumawak pa ang pananaw ko sa mga bagay bagay. Hindi na ako bumabata so I have to do things na gusto ko kung pwede lang naman at syempre spend time with my dear friends. Love you mga friends…

 

(Tula) ISANG GABI NG BUNTONG HININGA

 

Isang gabing panaho’y maalinsangan

Sa bintana namin ako’y nakatanaw

Madilim tila may nagbabantang ulan

Walang hangin o maliwanag na buwan

 

Pagkakatitig ko ay ‘di tumitinag

Hinihintay kalawaka’y magliwanag

Lamok sa katawan ko ay namamapak

Ngunit hindi ko maramdaman ang kagat

 

Madalas sa mga gabing tulad nito

Ayaw ko pang matulog dahil alam ko

Tulad ng ibang gabing unan ang yakap

At buntong hininga ang aking kausap

 

Bigla na lang sarili ko ay nagpasya

Alam kong ito’y hindi pansamantala

Katawa’y pagod, puso ko ay malungkot

Hindi ko alam kung ito’y natatakot

 

Ang umaga ba ay kailan darating

Upang sa gayon ako ay magningning

Baka buntong hininga ko ay mapawi

At matapos na rin aking pagmumuni

 

Salamat at pumapatak na ang ulan

Ang hangin ngayon, ako ay hinahagkan

Hugot muna ng isang buntong hininga

Bago matulog sa malambot kong kama

 

Hahahaha! Friendship Yollie, I remember your buntong hininga before the trip (hopefully wala na yan) sabi ko gagawa ako ng tula tungkol sa buntong hininga. Ang kaso hanggang dito lang ang nakayanan ko kaya pagpasensyahan mo na. Alam kong ikaw lang ang aking subscriber at masugid kong taga basa ng aking mga tula at samot saring mga sinulat sa aking blogsite kaya alam na alam mo ang mga nangyayari sa akin. Salamat sa matyaga mong pag babasa. Inspirasyon ka, kaya lang sana hindi sa cellphone ka nag rereply dito na mismo. Hehehe!

 

SINO BA ANG SIKAT NGAYON?

Sino ba ang sikat ngaun? Dati rati sikat na sikat ang Friendster halos dito na umikot ang buhay ng mga kabataan noon. Apektado ka sa mga testimonials ng mga friends ng friends mo. Aba ngayon grabe ang pamamayagpag ng facebook parang hindi makukumpleto ang araw mo kapag hindi mo nasilip ang notification ng account mo. At sa panahon ngayon hindi ka in kapag wala kang facebook account.

Marami kasing options sa fb biruin mo kapag tinatamad kang mag upload ng mga pictures o wala ka namang camera sasabihin mo na lang sa mga masisipag mag upload na i-tag mo na lang yan ha…. o e, di may copy ka na rin di ba? Isa pa pwede mo lang i- like kung nakarelate ka sa mga wall post ng friends mo at malinaw sa kanila na nagustuhan mo ang post nila. Maari ka ring mag post ng video at music click lang nila kung gustong panoorin o pakinggan, pwede kang mag link ng blogsites tulad ng ginagawa ko. Pwede ka rin makipag chat sa mga friends mong gising hanngang madaling araw o hanggang magsawa na kayo sa kwentuhan. Ang daming pwedeng gawin di ba?

Nakaklibang naman talaga pwedeng hindi na rin kayo malimit magkita ng friends mo. Online chikahan araw at gabi. Kaya lang, abala ito sa mga gawain at aralin ng mga estudyante sa sobrang libang nilang makipag kwentuhan at magpost sa wall ng kung ano ano nalilimutan na ang mga aralin kaka reply at kakasilip sa mga comment ng post nila. Hehehe! yan kasi ang napapansin ko dito sa mga anak ko.

 Ang ibang kumpanya nag alis na ng access sa fb kasi abala sa trabaho nila siguro mas marami pa ang oras kakasilip sa fb kesa trabaho nila. Ang kaso matatalino ang mga manufacturer ng cellphones at nilagyan naman nila ng access ang mga high end na cellphones kaya hayan kahit nasaan ka pwedeng mag fb. hehe! Ngayon sa telepono ka naman adik na adik kakasilip sa fb account mo at kakareply sa comment.

Meron ditong pader na pwede kang magsulat ng kahit na anong emosyon nakakatuwa, nakakapagtaka, galit at kung ano ano pa. Meron din pa sweet, pa cute or kahit na anong simpleng nangyari. Minsan kahit pagalit, o masakit na salita e naiisulat mo na rin dyan sa pader na yan at ang iba naman ay napapasilip na rin sa mga nagcocoment. Nakakapagtaka rin naman minsan galit ka na nga like pa rin ang comment nila. Minsan nga kahit may sakit ka na like pa rin ang comment. Hehehe!

Meron din ditong option na kung ayaw mo naman makita ang mga post nila at nakukulitan ka na, nakokornehan ilagay mo na lang sa hidden option ang pangalan nila at di mo na sila makikita pa, o kahit pa anong gawin nila sa buhay nila di mo na malalaman.  Meron din ditong option na kung ayaw mo na sila makita, pwede mo I block (huwag naman sa personal hehehe) pwede mo rin I limit ang pakikipag chika kung mayrong bagay sa iyong buhay na ayaw mong malaman nila. Hehehe! pero kung ganun e bakit ka pa nag fb?

Wala namang masama na i-post ang mga bagay-bagay na gusto mong sabihin o ipaalam sa lahat, basta’t ready ka sa iba’t-ibang reaksyon at opinyon dito. Pag di mo nagustuhan ang comment nila, delete mo. (hehe) Pero respetuhin na lang natin ang opinion ng iba para happy ang lahat. O, Sali na! Mag open na ng account at mag fb na! 

Ano ba itong nangyayari

Gagawin ko pa ay marami

Nakakaabala ang fb

Aaalis muna ako dine

Hindi pa ako naliligo

Lababo ko ay punong puno

Marami ang aking huhugasan

Plato, baso, kutsara’t pinggan 

Iwan ko na lang muna kayo

Mamaya babalik din ako

Ako muna ay maglalaba

Pagkatapos ay magpaplantsa

Ay naku! paalam muna

Mamayang hapon ako ay babalik

Talaga namang nagpipilit

Kahit ang oras ko ay gipit

 

 

 

 

MY TRAVEL IN BEIJING

Ang Beijing ang isa sa mga bansa sa Asia na pinaka gusto kong mapasyalan. kakaiba ang pakiramdam ko dito sa Beijing. Malamig ang simoy ng hangin, may magandang tanawin, masarap ang pagkain magaganda ang bulaklak, malinis ang paligid, maganda ang kapaligiran at moderno.  Marami akong napansing mga kagamitang sumisimbolo ng bansang asiano tulad ng mga pulang kasuotan, pamaypay at iba pang bagay na pulang nakasabit sa mga gusali doon. Pag baba namin sa airport may sumundo sa aming van ng hotel. Dinala kami sa isang restaurant at kami ay pinakain muna ng pananghalian.

Grabe ang lamig hindi ko yata kayang mabuhay doon sa lamig ng klima. Sobrang kapal na ng aking kasuotan , pero nanonoot pa rin ang lamig sa aking kalamnan.  Makikita sa balat ng aking mukha na namumula na ako sa lamig. Matapos kaming kumain ay dinala agad kami ng aming tour guide sa isang pasyalan sa Tiananmen Square. Hindi ko akalain na paglalakarin pala kami ng napakahaba hindi ko na mabilang kung ilang kilometro iyon, mabuti na lang at naka rubber shoes ako.Nilakad namin ang kahabaan ng Forbidden City Hindi naman kami nakaramdam ng pagod dahil maganda ang klima at nakaka aliw naman pagmasdan ang mga tanawin habang kami ay naglalakad kaya hindi namin namamalayan na napaka layo ng ng aming nalakad. Habang kami ay naglalakad lagi naming tanong sa isa’t isa kung gaano pa ba kalayo ang aming lalakarin sapagkat parang walang katapusan pati ang pareparehong desenyo ng mga gusaling aming nadadaanan. Pero nag enjoy talaga kami doon. Matapos naming marating ang dulo sumakay na uli kami sa van at dinala kami sa isang restaurant para maghapunan naman bago bumalik ng bumalik ng hotel.

Marami kaming lugar na pinasyalan halos wala kaming itinigil na oras sa hotel kundi tulog lang sa gabi. Nasulit naming lahat ang panahon ng aming itinigil sa bansang iyon. Busog ang aming mga mata sa mga kamnghamanghang paligid at pasyalan. Busog rin kami sa masasarap na pagkain. 

Ito  ang Tiananmen Square…..dito nangyari ang mala-edsa revolution ng mga estudyante. Ang tawag dito ay Tiananmen Square massacre.

 

 

Eto kami sa harap ng Forbidden City ang Imperial Palace. Ito ang tahanan ng mga Emperor doon. Handa na sa napakahabang lakarin. Kailangang naka rubbers shoes o kung hindi man ay kailangang nakasuot ako ng kumportableng sapin sa paa. Ito ang historical Complex na nagsisislbing tahanan ng mga Eperors doon. Mga 500 taon na ang nakakaraan.

Ito naman ang isang sanga ng puno (Branch-Interlocked cypresses) na makikita rin dito sa forbidden City. Sabi nila simbolo raw ito ng Loyal Love. The last emperor and empress of the Qing dynasty had their picture in front of this trees to show that “we wish to fly in heaven, two birds with one pair of wings, and to grow together on earth.” Nyak! ows!

Dito naman ako sa Temple of Heaven. The architecture in Ming Dynasty is in the south of Beijing.

Kuha ko ito sa Harap ng Ming Thombs or Shisan Ling. Ganda noh?

Ito ang Birds Nest .. Beijing’s National Stadium

Heto naman kaming 3 sa paanan ng Great wall of China great din ang experience namin dito.

Grabe! ang lamig dito halos hindi na ako makangiti at pati ang aking labi ay naninigas na rin sa lamig.Marami pa kaming napasyalan di ko lang alam kung saan yon. Napakaganda ng beijing! Salamat sa aking mga kaibigan sa pag-aaya sa akin na marating din ang bansang ito. 

MY TRAVEL IN BANGKOK

Isa sa mga bansang nais ko uling mapuntahan ay ang Thailand. Kaya isang malaking kagalakan para sa akin na sa wakas ay nakapunta na ulit ako dito noong isang linggo. Masarap at masayang mag travel kung ang mga kasama mo ay nag eenjoy rin. Kasama ko ang dalawa kong kaibigan na nag enjoy mamasyal mag shopping, kumain ng matatamis nilang prutas, nagkwentuhan at nagtawanan. Masarap ang pakiramdam na minsan e nasa iba kang lugar at ang nakikita mo lang ay ang buong paligid noon.  Makakalimot pansamantala sa mga matitinding gawain dito sa atin tulad ng ating mga trabaho na iyon at iyon araw-araw.

  

Pangatlong beses ko ng napuntahan ang bansang ito at siguro hindi pa rin ako mag sasawang bumalik dito. Ilang araw lang kami ngunit masasabi ko na lubos naming nasulit ang pagtigil dito. Talagang nagustuhan ko ang bansang ito. Hindi ako nanghihinayang sa maikling panahon na yon dahil ito ay magsisilbing dahilan upang ako ay bumalik at ang planong ito ay lubos kong kinasasabikan.  Nakakatuwa ang mga paninda nila kahit sa pinaka maliit na kalye makikita mo ang sari saring paninda. Doon ay malinis at napaka lawak ng biliihan. Nakakatuwang mamili kaya kahit hindi mo naman kailangan ay mapapabili ka. Dahil lagi mong ikukumpara ang kalidad ng kanilang produkto sa atin pati na ang presyo nila.  Ang matatamis nilang prutas hindi mo pagsasawaan kainin kahit maya’t maya ay kumain ka nito. Hindi rin gaanong mahal kung ikukumpara sa halaga ng prutas natin. Ito ang isa pang dahilan kung bakit nais kong bumalik kasi di ako nagkaroon ng chance na makapag foodtrip yun pa naman ang isa sa mga binalak kong gawin pag dating ko dun kaso kapos na kami sa araw.

  

Ang Thailand ay isang magadang lugar para e explore. kahit halos pareho lang ang klima sa ating bansa pero may napansin ako na kakaiba sa pakiramdam kahit ka pagpawisan sa tindi ng init ng araw parang hindi ka makakaramdam ng panlalagkit ng katawan kumpara dito.  Hindi gaanong maalikabok kahit tuyong tuyo ang lupa sa paligid.  Ibang iba ang kultura nila, mababait din ang mga thai, masarap din ang pagkain, aliw din ako sa pamamasyal, pamimili at siguro kung makakapunta rin kayo dito ito rin ang sasabihin ninyo babalik ulit ako.

          

Nagpasyal rin kami sa  lugar ng mga elepante, ang Samphran Elephant Ground and Zoo.  Sumakay kami sa tourist van may mga kasabay rin kaming turista na dun din ang punta at ang iba naman ay sa Rose Garden  nagtungo, magkalapit lang ang lugar ng mga Elepante, Crocodile Farm at ang Rose Garden. Dito raw sa Rose Garden ay makikita ang mga Thailander na mahahaba ang leeg at cultural dances ayon sa aming tour guide. Malayo ang lugar na ito sa syudad kung ikukumpara sa atin siguro Manila to Laguna ang layo.

  

Mainit sa lugar ng mga elepante pero mag eenjoy ka sa kanila. Sa Manila Zoo lang kasi ako nakakita ng elepante at isa lang yon. Heto na ang mga elepante na nagpapakitang gilas at umi eksena sa harap namin. May nagsasalita ng  english recorded na siguro yon para ilarawan ang pag pasok ng mga elepante sa loob ng kanilang pagpapakitaan ng kanilang talento. Naka fall in line pa sila nakakatuwa kung paano sila naturuan ng ganong gawain tuwid ang linya na nakahawak ang mahabang ilong sa buntot ng nasa harapan nila.  Nakalinya sila ng tuwid sa aming harap at umiksena na may nag pose na parang mag papakuha ng larawan, may nag papa cute, may ala doggy style, may naghoholahop, may tumutuwad na parang ipinapakita ang kanyang puwet, nakaupo, naka halumbaba at marami pang iba.  Pagkatapos magkakalinya uling pumasok sa kanilang pinagtataguan at ng lumabas ulit ay inilarawan naman ang history ng mga mammals sa Thailand tapos binanggit ng nagsasalita ang naitutulong ng mga elepante sa kanilang lugar. Ipinakita rin ang paraan ng mga elepant hunters para hulihin at i-trap ang mga jumbo dumbo.  Tapos ipinakita rin ang layunin ng mga elepante  sa naging war kung saan nakasakay sa likod nila ang mga warriors.

   

Nakakatuwa talaga sila nakadamit rin sila na parang kapa na may design ng mga country hehe!  Palakpakan ang mga nanonood  Nagpahanga na naman sila may isang nag tatambol gamit ang mahaba niyang nguso, may sumasayaw, may tumutugtog ng malaharmonika gamit ang kanilang bibig. Maya maya pa ay nag pasiklab ng talento sa socker kanya  kanyang sipa pag shoot sa goal.. hehehe! aba ang galing talaga!. Pagkatapos ay may nagsalita na pwede ng bumili ng tubo para ipakain sa mga elepante. At para namang may isip yong gustong mag papicture lumlapit sa elepante at magpopose din sila kakatuwa tapos hayun kung gusto mong bigyan sila ng 20 baht at ginagamit nila sa pag tanggap ng pera ay ang mahaba nilang nguso.

     

Internet

Palibhasa ay unlimited ang internet at kung sawa ka na sa kakapanood ng mga palabas sa t.v. ng mga teleserye at kung ano ano pang palabas maiisip mong humarap sa computer para mag research mag  facebook,  manood sa youtube, maglaro, magdowload ng music,  movies at kung ano ano pa. At hayun kapag nagsawa ka na rin sa mga iyan maiisipan mo na lang na mag blog.

BAUL NG AKING MEMORYA

Bakit nga ba ako nagbablog? Oo nga ano… Simple lang … masaya sa pakiramdam. Hehe! Mahig kasi akong maikipagkwentuhan sa ibang tao, Hilig ko rin ang makinig sa mga opinyon at palapalgay sa kanilang karanasan sa buhay at mula sa kanila ay marami akong natututunan at napupulot na aral. Malimit sa aking mga sinusulat ay tungkol sa aking karanasan at pagkukwento ng mga bagong pangyayari sa buhay.Masarap kasing balikbalikan ang mga karanasan na nagbigay ng aral sa aking buhay. 

Lahat tayo ay pwedeng mag blog, hindi naman kailangang magaling kang mag ingles o magaling kang magsalita o magkwento. Hindi baleng sabihin nila na ang konri naman nito!… ang mahalaga ay ikaw iyan buhay at mga kwento mo ang isinusulat mo. Pero siguro kung wal kang talagang hilig sa ganitong bagay sa huli mawawalan ka din ng gana…. Minsan naisip ko rin na parang nakakhiyang magsulat ng kung ano ano lang, ngunit minsan di ko mapigilan parang adik na itong isip ko kakadikta ng isusulat e.

Siguro ay may mga taong nakakabasa at marahil sila rin ay nagtataka kung ano ba itong isinusulat ko, pero ngayon ay unti unti ko ng naiintindihan. Marami pa rin naman ang taong hindi alam ang ibig sabihin ng pag bablog  Ngunit ang hindi nila nauunawaan ay ang dulot na kasiyahan at luwag ng kalooban kapag ikaw ay nakakapagsulat ng mga kwento o nakakapag blog.  Dito mo nailalabas ang mg saloobin mo sa tuwing ikaw ay masaya, o nakakaramdam ng lungkot. Dito sa blog ay nasasabi mo ang lahat ng iyong sama ng loobo kahit na ano mang hinanakit, galit, inis o kahit ano pa mang emotions na nararamdaman mo. At minsan ang blog mo ang nagsisilbing kaibigan mo na handang makinig sa iyong mga istorya o kwento na minsan ay hindi mo masasabi sa mga taong nakapaligid sa iyo.  Minsan kapag punong-puno na ako, tipong gustong magbulalas ng galit at hinanakit, iba-blog ko lang. Tapos, mawawala na.

Para sa akin ang blog ko ang pinaka magandang taguan ng nilalaman ng aking utak. Ito ang pwede kong paglagakan o tagapag-ingat ng mga masasaya at malulungkot na nagyari sa aking araw -araw na pamumuhay. Kaya pag minsan nasa harap ako ng computer at may biglang pumasok sa aking isip, kaagad kong isinusulat. Dadating ang panahon at maaaring hindi na ako makapag sulat, tatanda na ako at lilipas ang mga alaala ko at dito sa simpleng blog ay naisulat ko ang masasayang karanasan, magagandang kwento o kahit pa ang malungkot, pagka inis at galit na nagyari sa buhay ko na pwede kong mabasa kasama ang mga anak at apo ko na sa panahong hindi na kaya ng aking memorya ang makapag sulat. Baka sakaling ang mga isinulat ko ay maka inspire pa sa kanila, at sana ay makapagbigay ito ng inspirasyon at saya kahit impit ang halakhak at ngiti nila.

 

%d bloggers like this: