SI CYSAI NA MALAMBING

Napilitan akong mag alaga ng aso. Hindi ko sana gusto sapagkat maliit lang ang bahay namin. Pero sa totoo lang gusto kong may aso sa bahay, may hilig rin naman ako sa mga hayop palibhasa’y laking bundok marami kaming naalagaang hayop doon. Pero may nagbigay sa akin ng aso sa clinic di ko natanggihan dahil unang tingin ko pa lang dito cute na cute na ako para bang nakangiti nang iabot sa akin na nakalagay lang sa isang paper bag, isang buwan pa lang daw iyon na naipapanganak. Pinaliguan ko agad sa lababo, nag init ako ng tubig at baka malamigan at magkasakit. Pagkatapos ginamitan ko ng hair blower para matuyo agad ang balahibo nya at ng makaramdam ng init ang katawan.

                                       

Pinangalanan ko itong Cysai. Nang iuwi ko sa bahay palit palitan ang mga anak ko sa paghawak na  mukhang nalamog na. Ang cute talaga parang batang may malay na gustong kausapin at patawanin. Pinaliliguan ko si Cysai dalawang beses sa isang linggo at dahil maliit pa lang ito noon sa aming lababo ko na lang ginagawa ang pagpapaligo bago ako umalis. Chamoi ang ipinantutuyo ko ng balahibo nito bago ko gamitan ng hair blower. Ang huling tabo ng tubig na ipinam babanlaw ko ay nilalagyan ko ng downy fabric conditioner para mag amoy bagong laba. Meron din itong dog powder para kahit hindi ko paliguan ng malimit mabango at preskong parang bagong ligo ang amoy.

               

Kasama namin sa kwarto matulog si Cysai. Meron din itong sariling kumot, higaan at minsan katabi ko sa pagtulog. Kahati ko sa aking unan. Mat’yaga ang kasama ko dito sa bahay na maturuan si Cysai kung saang parte ng aming garahe dudumi at iihi. Lumaki itong malinis at madiriin. Ayaw nitong tumapak sa basang sahig. Bihirang lumabas ng bahay si Cysai kapag inilalabas ko ay karga karga ko kahit napakabigat nyang aso. Marami ang napapatingin sa kanya dahil sa makintab na balahibo. Babae si Cysai kaya dalawang beses itong magkaroon ng dalaw sa loob ng isang taon. Nagpapalgay naman ng diaper kasi parang nadidirian din ito na pumapatak sa sahig ang dugo nya.

                                     

Akala ko noong una madali lang ang mag-alaga ng aso, hindi pala. Ayaw kumain ng kanin at ulam namin kaya napilitan akong bumili ng dog food . Magastos rin pala, Bukod sa pagkain updated din sa mga bakuna para akong may sanggol na dinadala sa  vet. doctor. Dati rati malimit akong bumili ng accessories sa leeg pero katagalan di ko na rin naibili pa dahil lumaki na at parang dina rin bagay na may nakapulupot sa leeg. Binigyan ng vitamins ng vetmed ilang buwan lang at nagulat kaming lahat biglang lumaki at naging ganap ng aso na.

                    

Noong una kala ko ok lang ang pahaplos haplos sa balahibo, kargahin, pakainin at minsan kausapin na parang bata. Pero sa katagalan pati damdamin ko napalapit na rin kay Cysai na para ko na ring anak. Walang araw na hindi ko nababanggit sa kasama ko sa bahay kung pinakain na o kumustahin. Hindi lang pala basta haplos lang ang ginagawa namin kung hindi may pagmamahal ng kaakibat. Sabi ko noon aso lang yan pero pati pala ako nahuhulog na ang damdamin sa pag aalaga kay Cysai.

Malambing si Cysai, maharot katulad ng ibang aso. At di nagtagal parang isa na rin sa mga anak ko kung kausapin at para namang nakakaintindi sa aming mga utos at sinasabi. Nung una natatawa ako pag kinakausap ni manang na parang bata ganun din ng mga anak ko, yun pala ay mas malala pa ako sa kanila dahil bunso ang tawag ko dito. Nakakawala ng pagod, tension, sakit ng ulo at kung ano -ano pa dahil na rin sa pag aalaga ko kay Cysai. Kapag karga ko si Cysai lagi kong sinasabi na ikaw ang pampababa ng BP ko, ikaw ang nakaka alis sa mga masasakit na nararamdaman ko sa katawan ko. Matutuwa ka talaga ayon sa kasama ko sa bahay lagi raw yan nakaabang sa pintuan sa aking pagdating. Malayo pa raw ako parang alam na parating na ako. Di na raw yan mapakali at kahol ng kahol sa harap ng kasama ko dito sa bahay at pagbusina ko nga para buksan ang gate nakasampa na sa sofa para silipin ang sasakyan ko na papasok sa garahe. Pagpasok ko ng bahay para itong bata na gustong magpakarga at humalik sa akin. Kung hindi ko pansinin, naglulungkot-lungkutan at tapos tinititigan ako na para bang iiyak, kaya naman di ko matiis. Panay ang dila sa paa ko at kamay. Nakatingin sa akin habang kumakawag ang buntot. Sa kwarto namin ito natutulog minsan katabi ng mga anak ko minsan sa akin. Ang nakakatuwa pa sa dito hindi yan aakyat sa itaas hanggang hindi pa rin ako umaakyat at kahit naiwan pa sa ibaba ang aking mga anak.

 

                           

Isa pang nakakatuwa sa kanya ang paghabol sa akin na parang bata. Basta nasa bahay ako at alam na wala akong pasok oras na kinuha ko ang susi ko ng sasakyan nangunguna na yan sa paglabas at nakaabang na sa pagbukas ng pinto ng sasakyan. Huwag na wag kang magsasalita ng salitang “sasama” at di ka nya titigilan ng pagkahol at pagkagat sa kamay ko para kunin na ang susi ng sasakyan. Nasanay kasi na kasama ko sa paghahatid sa mga anak ko sa school, kaya pag nakita na naka uniform ang anak ko laging nakatingin sa kilos ko para sumama. Minsan magsusundo ako sa isa ko pang anak (Jian} ng 12midnight sa Roxa Blvd. talagang humahabol ayaw talaga pumasok ng bahay kundi pinagalitan ko pero parang ang sakit sa loob ko. Malayo na ang nararating ng sasakyan ko hindi ko natiis binalikan ko tamang tama pabalik na ako noon nagtex ang anak ko na umuungot pa rin si Cysai parang masama pa rin ang loob na iniwan at pinagalitan. Halos maluha na ako. Laking tuwa ni Cysai nung nakita ako na binalikan ko parang alam na isasama ko, agad lumabas at naghintay na mabuksan ang pinto ng sasakyan para sumakay. Mas lalo pa akong napaawa dahil panay ang dila sa pisngi ko, sa braso ko at sa kamay habang ako’y nagmamaneho siguro ibig sabihin nun thank you mommy I love you! (I love You too Cysai) Siguro gusto nya lang ako samahan dahil mag isa lang ako aalis hatinggabi pa naman.                  

Minsan nagkasakit si Cysai ayaw kumain, malungkot, iyon pala may lagnat, ang laki ng nagastos ko pero di ko ininda.  Sabi ng Vet. Med, iconfine ko raw ng isang araw .  Di ako pumayag dahil iiwan ko dun sa klinika. Pero para namang bata na sumunod sa sinabi kong ako na lang mag-aalaga at magpapainom dito ng gamot.

Isa pang naalala ko kay Cysai noong bumili kami ng TV na 50in habang iniinstall ng aming binilihan may biglang kumatok ng malakas na parang emergency sa gate namin pagbukas ng maid  ng gate nanguna sa pag labas at kinagat sa binte ang kawawang mama na nag dedeliver ng SA ng BPI hindi naman para sa amin nagkamali sya ng gate na kakatukin. Ang akala siguro nanakawin ang bago naming TV. Hindi naman nangangagat si Cysai e. Kumakahol lang. At sa kahol nito matatakot ka talaga. Pero hanggang ganun lang ang asal ni Cysai kumahol pero duwag din.  Takot nga si Cysai sa ipis kapag may nakitang ipis sa bahay kakahulan nito at kapag sumigaw na ang mga anak ko at lumundag mag iingay na rin si Cysai nakikipagsiksikan sa mga anak ko habang kumakahol at kapag maliit na daga naman ang nakita, haharap yan sa akin at ang kahol nito kakaiba na parang gustong magsumbong. Hay naku! kakatuwa talaga nakakawala ng pagod. Lalo na pag dumidila na sa kamay ko o sa paa ko, siguro pagpapakita yon ng pagmamahal sa akin. Para sa akin mananatiling malambing at asong sumusunod sa bawat utos namin at pakiramdam ko may batang maliit kami sa bahay. May buhay din ang aso, nakakaramdam din ng sakit, tuwa at sama ng loob. Kung iisipin, ang aso ang bantay natin sa bahay. Ika nga, “Man’s bestfriend”. Minsan nga ang aso ang nagliligtas din sa buhay natin.

 

5 Responses

  1. wehh.. spoiled naman ni Cysai at talagang binabalikan ni mommy kahit malayo na narating ah?

    pero cute nga sha, may sariling blanket at unan pa!🙂

    • buti di ka nahirapan magbasa.. hehe! tagalog yan…

  2. cute mo raw sabi ni dregm hehe so always comments

  3. pede nyo po attach yung video dito. go to “Posts”, “Edit”, then click nyo sa Video icon sa may “upload/Insert”part ..🙂

  4. magastos yang aso na yan, may diaper pa.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: