(Tula) ANG PAGMUMUKMOK NI ATE

Nakita ko noon mukha mo’y malungkot

Nakaupo  sa bangko  taglay ang bagot

Tanong ko sa ‘yo’y bakit nakasibangot

Kaya pala ganon may dala kang poot

 

Tinanong ko rin ang iyong kalagayan

Tanging ngiti lang ang  aking namataan

Sagot mo sa akin ok lang po naman

Ngunit ang ulap tila nagpaparamdam

 

Pagbuhos ng ulan ayaw mapigilan

Nakikisama rin sa ‘yong kalungkutan

Ngayo’y alam ko na ang tanging dahilan

Poot sa puso dapat mong kalimutan

 

Subalit di ko naiwasang magtanong

Tumingin ka muna sa bandang palusong

Liwanag ang makikita kahit  ganon

Pag-asa’y nariyan  idaing sa Poon

 

Ako’y  nabalisa sa problemang dala

Ipinakita’y ngiti mula sa mukha

Tinapik ang balikat at pinayuhan

Upang ‘sya ay mapanatag na tuluyan 

 

Ngayon nga ay alam ko na totoong dahilan

Kabiyak ng puso ay tanging may kasalanan

Dala mong galit ay sarili mo ang sinasaktan

Ayaw sa kapwa ibigay ang kapatawaran

 

Kung ang iyong dinadala’y tunay na mabigat

Huwag kang mag-alala kung pag ibig ay salat

Luha sa mata’y pigila’t iwasang pumatak

Upang pangarap mo ay di tuluyang mawasak

 

Halina at tumayo, huwag ka ng magmukmok

Iwasan na ang pag upo  d’yan sa isang sulok

Limutin ang kahapong pighati’t salimoot

Tama na ang pag iyak sa ilalim ng kumot

Sana nga meron na lang eraser ang author ng mga buhay natin para burahin ang mga bagay o taong gusto mong mawala na sa alaala mo pero unfortunately walang ganun e.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: