(Tula) ANG SARAP NG ULAM KO

Iniisip ko ngayo’y anong aking iuulam

Sawa na ang dila ko sa mga luto ni manang

Parati na lamang isda o baboy na sinigang

Putaheng naiiba naman ang aking titikman

 

Ulam namin sa probinsya’y aking naalala

Nilagang talong, talbos ng kamote at okra

Tiyak na masarap kaya dapat kong iluto na

Para sa dilang ang hanap ulam na naiiba

 

Sawsawang toyo’t kalamansi’y inihanda ko na

Pati ang bagoong na may kasama pang mangga

Kapag ganito ang ulam pagkain ko’y magana

Sinaing ay damihan siguradong mauubusan ka

 

Bigla akong nanabik sa ganitong mga pagkain

Naisip ko tuloy ano’t mag prito pa ng daing

Mayron pala si manang sili at sukang maasim

Dito naman isasawsaw ang prito kong uulamin

 

Isa pang masarap ang itlog na pula o maalat

Kamatis naman ang isasama yan ang katapat

Kapag inulam pa ito tiyan ko’y mabubundat

Pano pa ang paglakad siguradong nakahiyad

 

Tunay na napakasarap ng ganitong pagkain

Lalo’t malambot lambot pa yaring aking sinaing

Dito’y bagay na bagay naman ulam ay bilutin

At gagamitin ko’y kamay sa pagsubo ng kanin

 

Gusto ‘nyo rin ba ng ganitong klase ng pagkain

Halina’t sumabay at kayo’y aking bubusugin

Pagkat sobra sobra na itong aking uulamin

Sa maliit kong t’yan kung ito’y aking sosoluhin 

 

Sarap ng ulam ko noh? 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: