(Tula) TAMPOROROT

Y-an! nag tampororot ka na naman!

Pero alam kong ito’y biro lang

Sa tulad nating magkaibigan

Ang nasabi’y isang katuwaan

 

O-key ka talaga kaibigan

Isa ka nga sa taong natural

Yan ang gusto ko ‘di ka orocan

Ako’y pinangiti mo na naman

 

L-agi mo sana ‘tong tatandaan

Narito lang ako kaibigan

Agam agam alisin sa isipan

Pagkat di ka kayang kalimutan

 

L-ubhang seryoso na ang usapan

Dinadaan natin sa tulaan

Talino ay hindi mapantayan

Sino mang sasali sa tagisan

 

I-kaw nga ang tunay kong idolo

Nabanggit  yan sa unang tula ko

Palagay ko’y di na magbabago

Paghangang ibinigay na sa ‘yo

 

E-spesyal ka talaga sa akin

Mula noon naging malikhain

Di man makata ay susubukin

Maparating lang ang saloobin.

 

Pangalan mo’y ginamit ko na sa pagtula

Sa dami ng kathang sa’yo aking nalikha

Wala na akong kakayahang makagawa

Para sa yo isa ulit tulang makata

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: