(Tula) TULA PARA SA AKING 2 KAIBIGAN

 
 
                       

Kay rami kong nais sabihin, sa inyo kaibigan

Ngunit di ko alam, kung pano ko ito sisimulan

Baka ‘di maniwala, bigla na lang ako’y irapan

Hindi ba at maaring, sumama aking kalooban?

 

Ang araw na ‘yon, hindi ko talaga malilimutan

Sapagkat nakilala ko na, tunay kong kaibigan

Ang tulad ninyong dalawa ay mahirap matagpuan

Dyamante ang turing, dapat ko kayong pakaingatan

 

Buhay ko’y naging masaya, nang kayo ay makilala

Sapagkat dun nagsimula, buhay kong ubod ng sigla

Taglay na kabutihan ay walang humpay ang ligaya

Di mawari ang pakiramdam, parang nasa ulap na

 

No’n pa ay pinangarap, magkaron ng kaibigang tapat

Di  nainip sa paghihintay, dumating kayo’t sukat

Siguro’y talagang pinagkaloob ‘syang nararapat

Kaya pahalagahan, pakisamahan ko ng sapat

 

Ngayo’y nag uumapaw sa puso, tuwa’t kagalakan

Problema’y laging pansamantala kong nalilimutan

Pagkat nakabingwit ako, ng tunay na kaibigan,

Kaya’t sa’yo Panginoon, dapat Kang pasalamatan

 

Buong araw ko’y kumpleto na, kapag kayo’y kasama

Tawanan at kwentuhan, tunay namang nagpapasaya

Salamat sa sayang sa aki’y inyong pinadarama

Ganun din ang pakisamang, ‘di mapantayan ng iba

 

Maaring ‘di mabilang, kakilala ko’t kabarkada

Pero  ilan lang, tunay na kaibigan kong talaga

Di tulad ang pagtingin, na ukol sa inyong dalawa

Pagkat maging kaibigan kayo’y karangalan ko na.

 

Nawa’y tula ko sa inyong dalawa ay naibigan

Di man pinanganak na makata’y aking sinubukan

Nagbakasakaling kahit pano kayo’y masiyahan

Nadama ko sa inyong dalawa, dito ko dinaan

 

Tula kong ito sa inyo’y di na makayang dugtungan

Pagkat gabi na magluluto pa ako ng hapunan

Mga anak sa bahay lahat sa aki’y naghihintay

Nagugutom raw sila nasaan ang kanilang nanay

 

 

One Response

  1. Masarap pakinggan
    Papuri ng kaibigan
    Maraming salamat
    Kami pala’y nararapat
    Sa puso mong tapat.

    Minsan naghahanap
    Nasaan ka na ba?
    Bakit di maapahap
    Dating pagsasama
    Para bang nag iba.

    Patawad sa pag-iisip
    Kaibigan maaring sabik
    Abala man sa gawain ulit
    Hindi ka naman nawawaglit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: