(Tula) ANG AKING PAGMUMUNI MUNI

 

Heto na naman ako sa isang tabi

Walang makausap kaya ‘di makali

Marami ang tanong sa’king sarili

Ang makasagot ay aking ililibre

Siguradong pustiso mo’y dekalibre

  

Panay ang takbo ng utak ko ngayon

Pati ang puso ko ay sumasang ayon

Namamayagpag aking imahinasyon

Kahit diwa’y pagal pilit iaahon

Ang mga tanong ko na napapanahon 

  

Ang tumingin sa kawalan ay mahirap 

Mata ko ay hindi man lang kumukurap 

Utak ko tuloy maraming nasasagap

Ang mga kwento na dapat ay makalap

Lalo ang pag-abot ng mithing pangarap

  

Takbo raw ng buhay natin ay makupad

Kay hirap abutin ng munting pangarap

kahit tayong tao na ang gumaganap

Wag lang umabuso laging mag-ingat

Tiyak uusad kung tayo’y  magsisikap

  

Tanong ko’y tungkol sa mga kabataan

Kaninang pag uwi ng aking tahanan

Di ko mapigilan sila’y pagsabihan

Sa sobrang kalat nilang aking nadatnan

kabataan ba ngayo’y talagang ganyan?

  

Hala! kalat dito, kalat doo’t diyan!

Naka tatlong beses ng pinagsabihan

Pipi’t bingi pa ring nakatitig lamang

Di man lang kumikilos na isalansan

Ang mga gamit nilang pang eskwelahan

 

Huwag daw tayong maging magagalitin

Mag-iingat baka sakit ay sapitin

Kabataan ngayon dapat unawain

Pagkat kukote’y mahirap ng arukin

Di raw tulad no’ng kapanahunan natin

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: