(Tula) HULAAN ‘NYO KUNG SINO KAYO SA TULA KO

Sino nga ba para sa yo ang tunay na kaibigan? Masarap ang may kaibigan hindi naman kailangang marami para punuin ang listahn sa phonebook mo. Marami na akong naging karanasan sa pakikipag kaibigan pero para sa akin ang tunay na kaibigan ay yong madali ko makasama hindi lang sa kasiyahan pati na rin sa aking kalungkutan. Yong handang makinig sa aking mga kwento, mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. Higit sa lahat ay kayang tanggapin ano man ang kakulangan ko, mapagmahal, maunawain at marunong makibagay.

Lagi akong nagpapakatotoo sa aking mga kaibigan wala akong tinatago dahil ayaw ko sa mga orocan at mayabang. Handa kong tanggapin ang mga sasabihin nila mabuti man ito o masama. Turn off ako sa ganong klase ng tao pero nirerespeto ko pa rin kung ano at sino sila..

Sa ‘king mga matatalik na kaibigan

Nais ko lang sanang kayo ay handugan

Nang tulang galing sa ‘king kaibuturan

Pagkat mahirap sabihin ng harapan

 

Para sa ‘yo A 

Ang kaibigan kong ito sobra din nang bait

Ang pagtulong sa kapwa’y di ipinagkakait

Tawagin ang pangalan at agad ‘syang lalapit

At kahit pa nga kung minsan ‘sya ay may sakit

 

Sa mga handaa’t tulungan tiyak nand’yan ka

Di para kumain kundi ikaw ay mag estima

Yan ang katangian mong wala naman sa iba

Sa pakikisama talagang laging nangunguna

 

Para sa ‘yo B 

Matagal na rin tayong magkaibigan

Magkapatid na rin ang ating turingan

Pag di makali sa inyo ang takbuhan

Kaya di na tayo pwedeng mag iwanan

 

Kahit na ang tulog mo ay laging kulang

Dahil sa trabahong pinagkikitaan

Sa mga anak oras may nakalaan

Pagkat sila na lang ang ‘yong kasiyahan

 

Para sa ‘yo C 

Ikaw ang taong nakita ko parang walang problema

Kaya naman ang kalooban ko’y agad mong nakuha

Ang sayang dulot mo sa’kin laging nasa ala-ala

Dahil may katangian kang hinahanap ko sa iba

 

Gusto kong sabihin sa iyong ako ay nagagalak

Sapagkat nakilala kita kaibigan kong liyag

Babaeng mapagmahal sa asawa at mga anak

Kaya’t paghanga ko sa iyo aking iginagawad

 

Para sa ‘yo D 

Ako’y talagang natutuwa sa kaybigan kong ito

Pagkat katangian sa puso ko’y totoong totoo

Pag lapit niya sa akin laging nakakunot ang noo

Pero pag nag simulang ngumiti bungisngis ay todo

 

 

Taglay niyang ganda ay hindi nakakasawang tingnan

Pag nakikipag usap na sa yo ang sarap titigan

Laging nakangiti habang ikinukwento ang buhay

Kaya ako ay aliw na aliw na sya ay pakinggan

 

Para sa ’yo E 

Akala ko nong una mahirap kang arukin

Ikaw naman pala ay kasing babaw ko man din

Humilab lang sa’kin ng konti ganda mong angkin

Pero ilang taon lang malalaos ka na rin

 

Ako ay iyong taga hanga ngaun at kailan man

Pagkat katangian mo’y bihirang matagpuan

Aking isisigaw saan mang dako kaybigan

Na ang pakisama mo’y hindi matatawaran

 

Para sa’yo F 

Ang kaybigan kong ito ubod ng ganda

Sa sobrang sipag katawa’y lumiit na

Pangarap mag diet di na kailangan pa

Pagkat baka kami’y maungusan mo na.

 

Iwasang magkwento ng masarap na pagkain

Pagkat di nya titigilan na sya’y patikimin

Kung di mo ibibigay ikaw ay kukulitin

Hanggang sa mapilitan kang sya ay pakainin

 

Para sa ‘yo G 

Alam kong sa iyong trabaho abala ka talaga

Sapagkat sa posisyon mo di pwede ang bahala na

Ganun pa man laging nadito ang aking pang unawa

Pag nagkita naman ay sinusulit natin ang saya.

 

Alam mo ako’y natatawa pag naaalala ka?

Pagsasalita mo pa lang ako’y aliw na aliw na

Lalo na’t pag sinabayan pa ng malakas na tawa

Wari ko ba’y mahuhulog ang ilaw ng aking klinika

 

Para sa ‘yo H 

Kahit hindi tayo malimit nagkikita

Alam mo kung pano ako mapapatawa

Kahit pa ako’y may dinadalang problema

Nagagawa mo pa rin ako’y mapasaya

 

Kahit ang usapan natin ay sa chat lamang

Tawana’y talaga namang ‘di mapigilan

Pagkat alam ang kiliti ng yong kaybigan

Na mababaw rin naman ang kaligayahan

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: