(Tula) TULA PARA SA AKING KAIBIGAN SI ETHEL

Noong una pa man, tayo ay magkita

Sa iyong pagbati at ngiting kay ganda

Ramdam ko, magiging kaibigan kita

Yon nga’y natupad ng walang alintana.

 

Magkapalagayan, nang muling magkita

Banaag sa mukha ang tuwa at saya

Gayong ilang araw pa lang  magkakilala

Wari bang kay tagal ng nagkakasama

 

Kahit ang trabaho mo’y dangkal ang patas

Di ka tumatanggi sa ating paglabas

Kahit kakainin lang natin ay sopas

Masaya na pagkat ang restoran ay max

 

Pag tayo’y lumalabas na magkasama

Di ba’t nangingibabaw ang ating ganda

Pakiramdam natin, ay mga artista

Nagpapakodak kahit sa ‘di litratista.

 

Sa bawat araw at linggong dumaraan

Kaibigan, kalooban ko’y gumagaan

Pagkat sa kwentuhan natin at tawanan

Nararamdaman kong tayo’y magtatagal.

 

Sa tuwinang pagkikita’t pag-uusap

Kita ko habang tayo’y magkaharap

Ang bawat salita’y ating nilalasap

Pati ang tawanang walang kasing sarap

 

Sa puso’t isip, tunay kang kaibigan

Di tulad ng ibang tawag ko’y orocan

Nandyan ka kung kelangan ng katawanan

Kaya’t namumukod iyong katangian.

 

Tunay ka ngang bigay sa akin ng langit

Sa puso ko’y hindi ipagpapalit

Kung may bago mang kaibigang dumating

Pagkatao mo’y ‘di ko maihahambing.

 

Ang paghanga sa ‘yo bilang kaibigan

Di matutumbasan kahit ano pa man

Ilatag ma’y milyon sa aking harapan

Di mag aatubiling ‘yon ay tanggihan.

 

 

2 Responses

  1. friend, this is my 2nd time to read this poem..i realized that i am truly lucky that i have you, my friend…. hope our friendship will last longer than our lives… ngek ang drama noh.. hehehe

  2. yes you! i love you!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: