(Tula) ANIBERSARYO NATIN

 

Sa ‘yo ay……

 

Nais kong ipaalala na malapit na pala

Ang importanteng petsa na tayo ay pinag isa

Itong masayang araw ng kasal nating dalawa

Na ginanap sa simbahan ng Sta. Rosa de Lima

 

Isang karanasang hindi natin dapat malimutan

Ang sumpaan nating dalawa na magmamahalan

May dalawampong taon na rin pala ang nakaraan

Ngunit ang nagdaang panahon ay parang kaylan lang

 

Marami na rin ang nagdaang tag-araw at tag-ulan

Mga tadhana at pagsubok na ating nalagpasan

Ang mga balakid sa buhay na ating nalabanan

Sa pinag samang pangarap na ating sinimulan

 

Dalawampong taon na rin tayong may saya at lungkot

Ang tampo at galit na sa puso’y nagdulot ng kirot

Lahat sa ating isipa’y ibaon na lang sa limot

Upang saya sa buhay, sa puso natin ang umikot

 

Mahirap ang magdiwang ng anibersaryo mag-isa

Lalo na sa katayuan mong malayo sa pamilya

Subalit alam kong nasanay na rin tayong dalawa

Na laging kausap sa mesa’y tinidor at kutsara

 

Madalas nga na ganito ang nangyayari sa atin

Matutulog na lang at ang gabi ay palilipasin

Pati lamig sa tag-ulan ‘di ko man lang napapansin

Pagkat nasanay akong lagi kang wala sa ’king piling

 

Mas mahaba pa ang panahong ikaw ay nasa barko

Kaysa taon ng pananatili dito sa piling ko

At nawa’y ang lahat ng ating ginawang sakripisyo

Ay magdulot ng ginhawa sa pangarap na binuo

 

Ngayon ang aking dalangin sa Poong Maykapal

Dagdagan pa ang aniversaryo ng ating kasal

Laging aso at pusa man kung tayo ay magbangayan

Hapdi ng kalmot kay dali rin namang nalulunasan

 

  

About these ads

3 Responses

  1. Maligayang bati sa inyong ika- dalawampung taon ng inyong kasal!
    Maganda at makatotohanan ang lahat ng nabanggit mo sa iyong tula. Sa bandang huli ang tunay na pagmamahalan ang mananaig. At yan ang meron kayo kaya humaba ang inyong pagsasama kahit na nga may mga naging balakid ay dahil mahal ninyo ang isa’t isa.

  2. Maligayang bati sa inyong ika- dalawampung taon ng inyong kasal!
    Maganda at makatotohanan ang lahat ng nabanggit mo sa iyong tula. Sa bandang huli ang tunay na pagmamahalan ang mananaig. At yan ang meron kayo kaya humaba ang inyong pagsasama kahit na nga may mga naging balakid ay dahil mahal ninyo ang isa’t isa. Mabuhay!

  3. tnx frend..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: