(Tula) BALAGTASAN NG IBA’T IBANG URI NG GULAY

Dapat mapagtanto akong si malunggay. Na pinakamura sa lahat ng gulay.
Ang sustansya ko‘t bitaminang taglay, ay nagpapalusog sa ating katawan.

Itong aking dahon Kapag kinatas mainan na gamut sa nagdurugong sugat
Ako’y nagpapagaling sa taong sakitin, immune system kaya kong palakasin

Ako’y subok na noong una pa man nang mga matandang ating kinagisnan
Tanging ang sustansya ko’y di mapapantayan, ng iba’t ibang uri ng gulay.

Sumagot naman itong si kalabasa, akoy mayroon ding taglay na sustansya
May kagamitan din akong dala dala, akoy pampalinaw ng inyong mga mata

Kung papansinin po ang kulay kong dilaw , ang kulay na ito ay artipisyal
Ito’y nakagagamot sa puso at atay , ang daloy ng dugo ay pinahuhusay

Akoy mabuti rin na inyong ipalit, sa pagluto ng inyong pinakbet
kapag ako’y nalimuta’t nawaglit ‘yang inyong pinakbet may lasang pait

Ako’y pwede ring sahog sa malunggay ng lalong sumarap ang inyong gulay
pwede ring ginisa o kaya’y bulanglang, wag masyadong luto o halfcook lamang

Ako si ampalaya o ang marigoso baka naman ako’y nalimutan ninyo
akoy natuklasan nang mga mediko, nakapagpapagaling sa diabetiko

Kung ang inyong apdo ay may deperensya, mabuti ring lunas itong ampalaya
Ngunit kapag ito nama’y gumaling na, di na kailangan pang ipaopera

Sa mga pahayag nang mga nauna, akala mo silay napakagaling na
hindi napapansin kami ni patola, patolang tagalog patolang Amerikano

Ang patola man din may taglay na sangkap at napakataas nang kanyang kaledad
Patolang may talim o patolang owak ito ay magpinsan parehong masarap

Ito’y lumilinis nang iyong bituka dahil sa himaymay na parang abaka
Nililinis nito’y ang iyong menodensya dahilan sa taglay nitong bitamina

Ang patolang linis kung itoy gumulang at itoy tuyo na hindi na magulay
Dito mayroon din kayong pakinabang, gamit na panghilod sa inyong katawan

Ito namang si sitaw ang pakingan ninyo, ako naman yata lalong paborito
Akoy ginugulay nang maraming tao, sa bawat palengke ay mayroon nito

ito ay madali na pakinabangan, itanim mo ako sa inyong bakuran
Maglagay ka lang nag munting pakakabagan, akoy bubunga na pagkaisang buwan

Ang sabi nang iba ito raw ay sala sa mga atritis at mayroong rayuma
Hindi po totoo sinasabi nila sapagkat sila ay walang ebedensya

Sa awiting bahay kubo kahit munti, ngunit ang halaman ditoy sarisari
Nabangit ang sitaw bataw at patani, ito’y mga gulay na katangi tangi

Sa ating pagkain nang ganitong gulay ating ugaliin sa pang araw araw
Pagpunta sa doctor magiging madalang at baka tayo ay di na maospital

Ang preservative ay dapat iwasan na, katulad ng hotdog karneng delata
Ang alternatibo ay dapat gulay na, na walang kemikal ngunit masarap pa

Nagdadamihan na ang mga preservative, na mga nakapack kahit pampalamig
At pati paketing nodles mga pancit kadalasan dito ay kontameneted

At siyang pagdating nitong si repolyo may kasamang karot at saka sitsaro
kame ay nahuli diyan sa meting nyo, dahilan sa galing pa kami sa bagyo

Kasama rin pala itong si baguio beans mga cauliflower sa benguet nanggaling
Ang sustansya nitoy walang pagmamaliw, nagtataglay kami lahat ng bitamin

Sa puntos na ito ay sumagot naman ang talbos nang sili at talbos nang pasaw
Talbos nang kamote at talbos nang uray ,talbos nang ampalaya at talbos nang kintsay

Sa lahat nang gulay na ating nakita ang lahat ng itoy puro masustasya
Pawang nagtataglay mga bitamina, ngunit si malunggay siyang nangunguna

Sa atin pong tema akong si malunggay ay ating makita ang lahat nang gulay
Pagyamanin natin at pahalagahan pagkat kailangan nang ating katawan

About these ads

4 Responses

  1. luto ka na. Pinakbet.

  2. ang sarp pakinggan

  3. Hello po!
    Maaari ko po ba itong mahiram para i-recite ng mga bata ngayong darating na celebration ng Nutrition month po? Maraming salamat! Hehehe.

  4. maganda

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: